Ayon sa isang ulat na ipinalabas ngayong araw ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, nitong 30 taong nakalipas sapul nang isagawa ng bansa ang reporma't pagbubukas sa labas, malaking umuunlad ang saligang industriya at konstruksyon ng impraestruktura na nagdudulot ng malaking suporta sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan.
Ayon sa estadistika, mula taong 1979 hanggang 2007, ang pambansang laang-gugulin sa saligang industriya at impraestruktura ay umabot sa 30 trilyong Yuan RMB o 4.3 trilyong dolyares na bumuo ng 38% ng kabuuang puhunan ng buong bansa. Ang mga karapat-dapat na banggiting proyekto ay kinabibilangan ng proyekto ng paghahatid ng natural gas mula sa kanluran patungo sa silangan, proyekto ng pagsuplay ng tubig mula sa timog patungo sa hilaga at proyekto ng pagsasagubat at pagsasadamo ng mga bukirin.
|