• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-10-31 14:54:12    
Tsina, malawakang binibigyan-tulong ang mahihirap

CRI

Ang pagbibigay-tulong sa mahihirap ay isang paksang pandaigdig. Sapul nang isagawa ng Tsina ang reporma at pagbubukas sa labas, natamo nito ang kapansin-pansing bunga sa usaping ito. Ipinakikita ng datos ng World Bank na nitong nakalipas na 25 taon, ang 67% ng bunga ng pandaigdigang usaping pagbibigay-tulong sa mahihirap ay mula sa Tsina.

Noong taong 1978 kung kailan nagsimula ang Tsina ng reporma at pagbubukas, umabot sa 250 milyon ang mahirap na populasyon nito. Salamat sa walang-humpay na pagsisikap, noong 2007 naman, bumaba sa 14.79 milyon ang bilang ng mahihirap na Tsino. At sa gayo'y ang Tsina ay naging unang bansa sa daigdig na nakapagsakatuparan ng UN Millennium Development Goal na pangalahatiin ang mahirap na populasyon at nagbigay ito ng positibong ambag sa pandaigdigang usapin ng pagpapahupa ng karalitaan.

Salin: Andrea