Ayon sa ulat na ipinalabas ngayong araw ng Pambansang Kawaihan ng Estadistika ng Tsina, sapul nang isagawa ang reporma at pagbubukas, ang proporsiyon ng mga naghahanapbuhay sa non-public ownership enterprises ng Tsina ay umabot sa 75% mula sa 0.2% noong 1978.
Tinukoy ng ulat na nitong nakalipas na 30 taon, mabilis na umuunlad ang non-public ownership economy ng Tsina at nagpapatingkad ito ng mahalagang papel sa pagpapasagana ng kabuhayan sa lunsod at nayon, pagdaragdag ng piskal na kita, paglikha ng hanapbuhay at pagpapasulong sa katatagan ng lipunan.
Salin: Andrea
|