Sinabi kahapon sa Hanoi ni Nguyen Phu Trong, Tagapangulo ng Pambansang Asemblea ng Biyetnam, na nasa mainam na yugto ang relasyong Sino-Biyetnames at umaasa ang kanyang bansa na magkasamang magsisikap sila ng Tsina para maiangat pa ang relasyon ng dalawang bansa.
Winika ito ni G. Nguyen sa kanyang pakikipagtagpo kay G. Sun Guoxiang, bagong embahador na Tsino sa Biyetnam. Sinabi pa ni Nguyen na noong taong 2008, lumikha ng rekord ang kabuuang halaga ng kalakalan ng Tsina't Biyetnam at natapos din nila, ayon sa iskedyul, ang demarkasyon ng kanilang hanggahan at ang pagtatayo ng boundary tablet.
Sinabi naman ni Embahador Sun na ang pagtatatag ng komprehensibo't estratehikong partnership na pangkooperasyon ay nakakabuti sa komong interes ng Tsina't Biyetnam.
|