Idinaos kahapon ng hapon sa Tanghu Middle School ng Chengdu ng Sichuan ang seremonya ng pagsisimula ng delegasyon ng mga middle school student ng mga nilindol na purok ng Sichuan sa pagdalaw sa Pilipinas. Dumalo sa seremonya ang 100 estudyante, 11 guro at doktor mula sa Beichuan, Mianzhu, Shifang at iba pang mga nilindol na purok.
Sa paanyaya ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng Pilipinas, mula ika-11 ng kasalukuyang buwan, isasagawa ng naturang delegasyon ang isang linggong dalaw-pangkaibigan sa Pilipinas.
|