Ipinatalastas ngayong araw ni Qin Gang, tagapagsalita ng ministring panlabas ng Tsina, na sa paanyanya ng pamahalaang Pilipino, dadalaw sa Pilipinas ang 100 estudyente mula sa nilindol na Lalawigang Sichuan mula ika-11 hanggang ika-17 ng buwang ito.
Ipinahayag ni Qin na may tradisyonal na relasyong pangkaibigan ang Tsina at Pilipinas at sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko noong 1975, matatag na umuunlad ang relasyon ng 2 bansa. Anya, ang pag-aanyaya sa pagdalaw ng naturang mga estudyente ay lubos na nagpapakita ng pakikipagkaibigan ng pamahalaan at mga mamamamayan ng Pilipinas sa mga mamamayang Tsino at nagpahayag ang panig Tsino ng papuri at pasasalamat dito. Nananalig anya siyang ibayo pang pasusulungin ng pagdalaw na ito ang pag-uunawaan at pagkakaibigan ng mga mamamayan, lalung-lalo na ng mga kabataan ng Tsina at Pilipinas, pasasaganain ang nilalaman ng relasyong pangkabiga't pangkooperasyon ng dalawang bansa at palalalimin ang kanilang bilateral na relasyon.
Salin: Jason
|