Dumating kagabi ng Maynila ang 100 mag-aaral mula sa nilindol na Lalawigang Sichuan ng Tsina para pasimulan ang kanilang 1 linggo na bisita sa Pilipinas.
Sa seremonyang panalubong sa paliparan, sinabi ni Franklin Ebdalin, pangalawang kalihim na panlabas ng Pilipinas, na umaasa siyang magpapalipas ang mga mag-aaral na Tsino ng masayang linggong ito sa Pilipinas. Anya pa, ipinakikita ng aktibidad na ito ang relasyon ng pagkamagkapatid ng Pilipinas at Tsina.
Sinabi naman ni Du Kewei, puno ng delegasyong Tsino at opisyal ng Ministri ng Edukasyon ng Tsina, na ang biyaheng ito ay ibayo pang magpapalalim ng pagkakaunawaan at pagkakaibigan ng mga mamamayan, lalung lalo na ng mga kabataan ng Tsina at Pilipinas at magpapayaman ng nilalaman ng relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng dalawang bansa.
Mula kahapon hanggang ika-17 ng buwang ito, bibisita ang naturang mga mag-aaral na Tsino sa Malacanang, Kaisa Heritage Center, Museo Pambata at ilang paaralan at pamantasan sa Metro Manila at magsasagawa ng pagpapalitan kasama ng mga mag-aaral na Pilipino. Katatagpuin din sila ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Pilipinas. Bukod dito, bibisita pa ang delegayong ito sa Bohol para makita ang white beaches, Chocolate Hills at tarsiers.
Salin: Ernest
|