• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-01-16 15:07:51    
GMA, nakipagtagpo sa mga mag-aaral mula sa nilindol na Sichuan

CRI

Nakipagtagpo ngayong araw sa Malacanang si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Pilipinas sa delegasyon ng mga mag-aaral mula sa nilindol na purok ng Lalawigang Sichuan ng Tsina at sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Pilipino, nagpahayag siya ng pagsalubong sa 100 mag-aaral na Tsino.

 

Sinabi ni Arroyo na lubos niyang pinahahalagahan ang matalik na pagkakaibigan ng Pilipinas at Tsina at ipinahayag niya ang maagang pagbati sa mga mamamayang Tsino para sa Spring Festival.

Sinabi naman ni Du Kewei, puno ng delegasyong ito na, ang kasalukuyang isang linggong biyahe ay mabisang nagpawi ng sugat sa damdamin ng mga mag-aaral na dulot ng lindol, nagpalawak ng kanilang pananaw at nagpalakas ng kanilang kalooban at kompiyansa. Ibinigay din ng 3 mag-aaral ng etnikong Qiang kay Arroyo ang regalong may katangian ng kanilang etniko.

Salin: Ernest