Natapos ngayong araw ni Pangulong Hu Jintao ng Tsina ang kaniyang pagdalaw sa Saudi Arabia patungong Mali para ipagpatuloy ang kaniyang pagdalaw sa 5 bansa ng Asya at Aprika.
Dumating kamakalawa si Hu ng Saudi Arabia para sa pagdalaw. Sa panahon ng pagdalaw, nag-usap sina Hu Jintao at Abdullah Bin Abdul-Aziz, Hari ng Saudi Arabia, narating ang komong palagay ng 2 panig hinggil sa pagpapalalim ng estratehikong relasyong pangkaibigan ng 2 bansa at magkasamang pagharap sa krisis na pinansiyal. Sa pag-uusap, iniharap ni Hu ang 6 na mungkahi hinggil sa pagpapaunlad ng estratehikong relasyong pangkaibigan ng dalawang bansa at lumagda ang 2 panig sa 5 kasunduan hinggil sa enerhiya, kalusugan, kuwarantenas, komunikasyon at kultura.
Bukod dito, kinatagpo ni Hu si Abdul-Rahman al-Attiyah, Pangkalahatang kalihim ng Gulf Cooperation Council ?GCC?, at narating nila ang komong palagay hinggil sa pagpapalakas ng kooperasyon ng Tsina at mga kasaping bansa ng GCC.
salin:wle
|