• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-02-13 10:00:12    
Hu Jintao: buong husay na ipapatupad ng Tsina ang mga hakbanging pantulong sa Aprika

CRI

Nag-usap kahapon sa Bamako, kabisera ng Mali, sina dumadalaw na Pangulong Hu Jintao ng Tsina at Pangulong Amadou Toumani Toure ng Mali. Ipinahayag ni Hu na buong husay na ipapatupad ng panig Tsino ang iba't ibang hakbanging pantulong na itinakda sa Beijing Summit ng Porum sa Pagtutulungan ng Tsina at Aprika at sa abot ng makakaya nito, patuloy na daragdagan ang tulong sa Aprika, babawasan o babalewalain ang utang ng mga bansang Aprikano, palalawakin ang pamumuhunan at kalakalan sa Aprika at palalakasin ang pragmatikong kooperasyon ng dalawang panig.

Binigyan din ni Hu ng mataas na pagtasa ang natamong progreso ng relasyon ng Tsina at Mali. Binigyang-diin niyang lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang kahirapan at pagkakabahala ng mga kaibigang Aprikano at nakahandang palakasin, kasama ng mga bansang Aprikano na kinabibilangan ng Mali, ang pagpapalitan at pag-uugnayan sa pagharap sa pandaigdig na krisis na pinansyal.

Ipinahayag naman ni Toure na lubos na pinahahalagahan ng mga mamamayan ng Mali ang pagkakaibigan nila ng mga mamamayang Tsino at pinasasalamatan ang walang pag-iimbot na pagkatig ng panig Tsino nitong mga nakalipas na panahon. Anya pa, palalakasin ng Mali ang kooperasyong pangkaibigan nila ng Tsina at palagiang igigiit ang patakarang isang Tsina.

Salin: Ernest