• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-02-14 15:16:58    
Pangulo ng Tsina at Senegal, nag-usap

CRI
Nag-usap kahapon sa Dakar sina dumadalaw na pangulong Hu Jintao ng Tsina at pangulong Abdoulaye Wade ng Senegal.

Ipinahayag ni Hu na sapul nang panumbalikin ng Tsina at Senegal ang relasyong diplomatiko noong 2005, walang humpay na natamo ng relasyon ng dalawang bansa ang bagong progreso. Nakahanda anya ang Tsina, kasama ng Senegal, na palakasin ang pragmatikong kooperasyon sa iba't ibang larangan para makapaghatid ng mas maraming totohanang kapakinabangan sa mga mamamayan ng dalawang bansa.

Binigyang-diin ni Hu na buong husay na ipapatupad ng Tsina ang iba't ibang sumusunod na hakbangin ng Beijing Summit ng Porum sa Kooperasyon ng Tsina at Aprika at hindi babawasan ang mga tulong sa Aprika dahil sa pagharap sa krisis na pinansyal. Anya pa, nakahanda ang Tsina na palakasin ang pakikipag-ugnayan at pakikipagkoordina sa mga bansang Aprikano na kinabibilangan ng Senegal para mapagtagumpayan ang naturang krisis.

Ipinahayag naman ni Wade na sapul nang panumbalikin ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, ganap na tinupad ng Tsina ang mga pangako nito sa Senegal, walang humpay na sumusulong ang mga proyektong pantulong at lubos na ikinasisiya ng Senegal ang kooperasyon nila ng Tsina. Anya pa, nagbigay ang Tsina ng napakalaking ambag sa pagpapasulong ng kabuhayan at lipunan ng Aprika at pawang pinasasalamatan ito ng mga bansang Aprikano.

Si Hu ay dumating nang araw ring iyon ng Dakar para pasimulan ang kanyang dalaw na pang-estado sa Senegal.

Salin: Liu Kai