Pangkagipitang ipinatawag kahapon ng opisyal ng Ministring Panlabas ng Tsina ang Charge De Affaires ad Interim ng Embahada ng Pilipinas sa Beijing bilang protesta sa baseline bill na ipinasa ng Kongresong Pilipino.
Batay sa nasabing panukalang batas, itinakda bilang teritoriyo ng Pilipinas ang Huangyan Island at bahagi ng Nansha Islands ng Tsina.
Binigyang-diin ng panig Tsino na ayon sa mga dokumentong pangkasaysayan, di-maihihiwalay na bahagi ng teritoryong Tsino ang nasabing mga isla. Umaasa ang Tsina na papaunahin ng panig Pilipino ang pangkalahatang kalagayan ng relasyong Sino-Pilipino para mapangalagaan ang katahimikan ng rehiyon ng South China Sea.
|