Sinabi dito sa Beijing ngayong araw ni Wu Bangguo, tagapangulo ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina o NPC, na idaraos bukas ang ika-2 sesyon ng ika-11 NPC at handang handa na ang iba't ibang gawaing preparatoryo para sa naturang sesyon.
Winika ito ni Wu sa pulong na preparatoryo ng sesyong ito. Binigyan-diin niyang dapat buong taimtim na tupdin ang misyon at karapatan ng NPC ayon sa konstitusyon at batas at mabuting isasagawa ang iba't ibang tungkulin ng mga sesyon.
salin:wle
|