Sa news briefing na idinaos ngayong araw dito sa Beijing, ipinahayag ni Li Zhaoxing, tagapagsalita ng ikalawang pulong ng ika-11 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina o NPC, na sa kalagayan ng paglala ng pandaigdigang krisis na pinansiyal, hindi babawasan ang tulong ng Tsina sa mga umuunlad na bansa, at hindi bababa ang lebel ng pakikipagkooperasyon sa naturang mga bansa.
Nang sagutin ang tanong ng Press Trust of India, o PTI, ipinahayag ni Li na ang pandaigdigang krisis na pinansiyal ay nagdulot ng malaking epekto sa Tsina at iba pang umuunlad na bansa, ngunit, sa ilalim ng mahirap na kalagayan, ibayo pang pinahahalagahan ng Tsina ang pakikipagkooperasyon sa naturang mga bansa, kasabay ng paggarantiya ng matatag na pag-unlad ng sariling lipunan at kabuhayan, pinalalakas ng Tsina ang tulong sa mga umuunlad na bansa at aktuwal na isinasakatuparan ang mga kasunduang pangkooperasyon na nilagdaan nila ng mga kinauukulang bansa.
Sinabi rin ni Li na pinasalamatan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino ang mga ibinibigay na pagkatig at tulong ng mga umuunlad na bansa sa Tsina.
Salin:Sarah
|