Ipinatalastas ngayong umaga ni Premyer Wen Jiabao ng Tsina na aabot sa 950 bilyong Yuan RMB (halos 138.9 bilyong dolyares) ang budget deficit sa taong ito na katumbas ng kukulangin sa 3% ng GDP.
Ipinahayag din ni Premyer Wen na isasagawa sa taong ito ng Tsina ang proaktibong patakarang pinansyal at malakiang daragdagan ang pambansang budget. Anya pa, ito ang pinakapositibo, pinakadirekta at pinakamabisang hakbangin para mapalawak ang pangangailangang panloob.
??
|