Pagkatapos ng pagbigkas kahapon ni Premyer Wen Jiabao ng Tsina ng Government Working Report sa ika-2 pulong ng ika-11 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina o NPC, ibinalita ng GMA — isa sa mga pinakamalaking media group ng Pilipinas — hinggil dito.
Tinukoy ng ulat na ito na nanawagan si Wen na mapahupa ang maigting na relasyon ng mainland at Taiwan nitong ilampung taong nakalipas at magsikap para matamo ang mas malaking breakthrough sa relasyon ng magkabilang pampang.
Anang ulat, iginigiit ng mainlad na ang Taiwan ay isang di-maihihiwalay na bahagi ng Tsina. Sapul nang maghari si Ma Ying-jeo sa Taiwan noong Mayo ng nagdaang taon, natamo ang kapansin-pansing progreso ng relasyon ng magkabilang pampang.
Salin: Ernest
|