Sa kanyang paglahok kahapon sa pagsusuri ng delegasyon ng Lalawigang Fujian sa ulat hinggil sa gawain ng pamahalaan, binigyang-diin ni pangalawang pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang pagpapanatili ng matatag at may-kabilisang pag-unlad ng kabuhayan ay pangunahing tungkulin ng bansa sa taong ito.
Sinabi ni Xi na dahil sa epekto ng pandaigdig na krisis na pinansyal, ang labis na mabilis na resesyon ng kabuhayan ay naging namumukod na isyu sa takbo ng kabuhayang Tsino, kaya dapat gawing pangunahing tungkulin ang pagpapanatili ng matatag at may-kabilisang pag-unlad ng kabuhayan.
Kaugnay naman ng kaligtasan ng pagkaing-butil, tinukoy ni Xi na ito ay saligang isyu na may kinalaman sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan at dapat umasa ang Tsina sa sariling produksyon para igarantiya ang kaligtasan ng pagkaing-butil.
Salin: Liu Kai
|