Sa kasalukuyang dalawang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina at Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino, ang mga patakaran ng pamahalaang Tsino bilang tugon sa krisis na pinansyal ay nakakatawag ng malaking pansin ng mga dayuhang medya at eksperto.
Ayon sa mga ulat ng ilang pahayagan ng E.U, Hapon, Timog Korea, Romania at iba pang bansa, sa kasalukuyang kalagayan, magpapatingkad ang mga ginagawa ng Tsina ng mahalagang papel sa pagbangon ng kabuhayan ng daigdig.
Sinabi naman ng mga eksperto ng Agentina, Rusya at iba pang bansa na pinag-uukulan ng kani-kanilang bansa ng pansin ang mga patakaran ng Tsina bilang tugon sa krisis na pinansyal.
Salin: Liu Kai
|