Ipinahayag ngayong araw sa Beijing ni Wei Hong, kinatawan ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina at pirmihang pangalawang gobernador ng Lalawigang Sichuan na sa rekonstruksyon pagkaraan ng napakalakas na lindol sa Sichuan, pinakamahalaga ang rekonstruksyon ng pabahay at mga pasilidad na may kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayan na gaya ng edukasyon at serbisyong medikal.
Isinalaysay ni Wei na dahil sa grabeng kapinsalaang dulot ng lindol, kailangang itayo sa kanayunan ang mahigit 1.26 milyong permanenteng pabahay at sinimulang itayo na ang mahigit 94% at mahigit 310 libong permanenteng pabahay naman ang kailangang itayo sa mga lunsod at bayan at mga 25% ang sinimulang itayo. Mahigit 9100 paaralan ang nangangailangan ng rekonstruksyon at 1780 na ang sinimulang itayo. Mahigit 4100 naman ang mga proyekto ng rekonstruksyon ng organong medikal at halos 1600 ang ipinatupad na.
Ipinahayag din ni Wei na buong sikap ang kanyang lalawigan para matapos sa loob ng taong ito ang rekonstruksyon ng lahat ng mga permanenteng pabahay sa lunsod at kanayunan at ang 95% pataas ng mga paaralan at ospital.
Salin: Vera
|