Kahapon ay huling araw ng pagtanggap ng kasalukuyang taunang sesyon ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino ng mga proposal. Napag-alaman mula sa sesyong ito na 5571 proposal ang natanggap.
Sa mga proposal na ito, mga 50% ang may kinalaman sa isyu ng kabuhayan at ang mga iba pa ay hinggil sa mga isyu ng pulitika, batas, social security, edukasyon, siyensiya, teknolohiya, kultura, kalusugan, kalakasan at iba pa.
Ang pagpapanatili ng matatag at may-kabilisang paglaki ng kabuhayan at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan ay mga tampok na paksa ng mga proposal.
Salin: Liu Kai
|