Sa tauang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan o NPC ng Tsina sa Beijing, ipinahayag ngayong araw ni tagapangulo Wu Bangguo ng pirmihang lupon ng NPC na sa taong ito, palalakasin ng NPC ang superbisyon sa gawaing pangkabuhayan.
Sinabi ni Wu na sa taong ito, kinakaharap ng kabuhayang Tsino ang mahigpit na hamon. Anya, dapat ipauna ng NPC ang superbisyon sa gawaing pangkabuhayan para maigarantiya ang pagpapatupad ng mga tungkulin ng pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan sa taong ito.
Salin: Liu Kai
|