Sa kanyang ulat ng gawain ng pirmihang lupon ng taunang pulong ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina o NPC na ipinalabas ngayong araw, sinabi ni Wu Bangguo, tagapangulo ng pirmihang lupon ng NPC, na ang nakaraang taon ay unang taon ng pagpapatupad ng tungkulin ng pirmihang lupon ng ika-11 NPC at sinuri ang 15 batas at pinagtibay ang 9 na batas.
Bukod sa pagsusuri sa batas, noong isang taon, pinakinggan ng pirmihang lupon ng NPC ang 13 ulat ng gawain ng Konseho ng Estado, Kataas-taasang Hukumang Bayan ng Tsina, Kataas-taasang Prokuraturang Bayan ng Tsina, ginawa ang 3 resolusyon, sinuri ang kalagayan ng pagsasagawa ng 5 batas, at ipinasiyang aprobahan ang mga 20 kasunduan na nilagdaan ng Tsina at mga bansang dayuhan at mga pandaigdigang kombensyon.
Salin:Sarah
|