Sa news briefing ng taunang sesyon ng Pambansang Kongresyong Bayan ng Tsina na idinaos ngayong araw sa Beijing, ipinahayag ni Chen Deming, ministro ng komersyo ng Tsina, na tinatayang sa darating na ilang buwan, mahigpit pa rin ang kalagayan ng kalakalang panlabas ng Tsina.
Mula noong Nobyembre ng nagdaang taon, sinimulan ang negative growth ng kalakalang panlabas ng Tsina at patuloy pa ang kalagayang ito.
Ipinahayag ni Chen na bilang tugon sa pagbaba ng kalakalang panlabas, isinagawa na ng Tsina ang mga hakbangin sa aspekto ng buwis, financing at iba pa. Sinabi rin niyang dapat magkakasamang magsikap ang iba't ibang bansa para malutas ang pagbaba ng kalakalang panlabas ng buong daigdig.
Salin: Liu Kai
|