Sa news briefing ng taunang sesyon ng Pambansang Kongresyong Bayan ng Tsina na idinaos ngayong araw sa Beijing, inulit ni Chen Deming, ministro ng komersyo ng Tsina, na buong tatag na tinututulan ng kanyang bansa ang proteksyonismong pangkalakalan at nakahandang aktibong pasulungin ang Doha Round Talks para mapawi ang hadlang sa kalakalan ng paninda.
Sinabi ni Chen na sa harap ng espesyal na kalagayan na gaya ng krisis na pinansyal, napapahintulutan ang paggamit ng mga paraan para sa angkop na pangangalaga sa kalakalan, ngunit kung magmamalabis dito, ito ay magiging proteksyonismong pangkalakalan.
Ipinahayag din niyang sa kasalukuyang kalagayan, umaasang mapapasulong ang Doha Round Talks para mapasigla ang multilateral na kalakalan at sa gayo'y pasulungin ang pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.
|