Sa preskon ng taunang pulong ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) na idinaos ngayong araw sa Beijing, ipinahayag ni Chen Deming, Ministro ng Komersyo ng Tsina, na pinag-aaralan ang kung papaanong pasusulungin ang pag-unlad ng mga bahay-kalakal nito na may puwersa sa pagbibigay-bulong sa labas, pagsasagawa ng mga proyekto sa labas at pagbebenta ng mga dayuhang bahay-kalakal.
Sinabi ni Chen na positibo ang atityud ng pamahalaang Tsino, umaasa at naghihikayat ang kanyang bansa na pupunta ang mga bahay-kalakal nito na may puwersa sa ibayong dagat para sa pag-unlad. Palalawakin nang angkop ang saklaw ng pagbibigay-tulong sa labas na kinabibilangan ng bolyum ng preperensiyal na pautang at palalakasin ang pagkatig na pinansiyal sa naturang mga bahay-kalakal nito sa labas.
Salin: Ernest
|