• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-03-10 16:28:06    
Positibong bakas, lumitaw sa industrya ng Tsina

CRI

Ipinahayag dito sa Beijing ngayong araw ni Ginoong Li Yizhong, ministro ng industrya at pagsasaimpormasyon ng Tsina, na sa kasalukuyan, lumitaw ang ilang positibong bakas sa takbo ng industrya ng Tsina, pero ito ang nasa pinakamahirap na panahon pa rin.

Sa preskon ng taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan o NPC nang araw ring iyon, sinabi ni Li Yizhong na sa kasalukuyan, napapanumbalik ang kakayahan sa produksyon ng bakal at asero, noong nakaraang 2 buwan, lumaki nang 3.1% ang output ng asero kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon, lumaki naman nang 17% ang output ng simento, napanumbalik sa lebel noong nakaraang Hulyo ang buwanang bilang ng pagbebenta ng sasakyang de motor.

Ipinahayag pa ng naturang ministro na nasa pinakamahirap na panahon pa rin ang industrya ng Tsina. Unang una, hindi naging pinakagrabe ang pandaigdig na krisis na pinansyal, lumulubha nang lumulubha ang epekto nito sa Tsina at matindi ang kalagayan ng pag-aangkat at pagluluwas. Ikalawa, labis na malaki ang kakayahan ng produksyon ng ilang industrya ng Tsina. Ang naturang 2 elemento ay pangunahing hamong kinakaharap ng paglaki ng industrya ng Tsina.

Salin: Vera