Nang kapanayamin kahapon ng mamamahayag ng China Radio International, binigyan ni Chalern Yepaoher, ministro ng katarungan ng Laos, ng positibong pagtasa ang work report ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan o NPC ng Tsina na ginawa ni Wu Bangguo, tagapangulo ng naturang lupon at taos-pusong umaasa siyang matatamo ng konstruksyon ng demokrasya at sistemang pambatas ang mas malaking tagumpay.
Sinabi ni Yepaoher na pinahahalagahan niya ang konstruksyon ng demokrasya at sistemang pambatas ng Tsina. Masiyang niyang nakita sa ilalim ng pamumuno ng Partido Komunista at pamahalaan ng Tsina, lumalakas nang lumalakas ang ideya ng Tsina sa pangangasiwa ayon sa batas at napapangalagaan nang mainam ang demokratikong karapatan ng mga mamamayang Tsino. Taos-pusong umaasa siyang matatamo ng mga mamamayang Tsino ang mas malaking tagumpay sa mainam na atmospera ng lubos na pagtatamasa ng demokratikong karapatan.
Salin: Vera
|