Sinabi ngayong araw ni Premyer Wen Jiabao ng Tsina na ang reporma at pagbubukas ng Tsina ay hindi lamang masusing pagpili para sa kapalaran ng Tsina, kundi malakas na sandata para sa pagharap sa kasalukuyang krisis na pinansiyal.
Nang araw ring iyon, lumahok si Wen sa pagtalakay ng delegasyon ng Inner Mongolia ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina o NPC, ipinahayag ni Wen na dapat isakatuparan ang ideya ng reporma at inobasyon sa isa pang yugto ng pangangasiwa sa bansa, walang humpay na pabutihin ang landas at porma ng pag-unlad ng Tsina na angkop sa kalagayang Tsino para magkaloob ng malakas na puwersa at garantiyang pansistema sa kaunlaran, igiit ang saligang pambansang patakaran ng pagbubukas sa labas.
salin: Ernest
|