Idinaos ang ika-3 pulong ng presidium ng ika-2 sesyon ng ika-11 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC). Nangulo sa pulong si Wu Bangguo, pirmihang tagapangulo ng presidium at tagapangulo ng NPC.
Nag-ulat si Wang Wanbin, pangalawang pangkalahatang kalihim ng ika-2 sesyon ng ika-11 NPC sa pulong ng presidium hinggil sa paghawak sa mga mosyong iniharap ng mga kinatawan ng NPC. Sinabi ni Wang na iniharap ang 518 mosyon ng mga kinatawan. Ang mga resulta ng pagsusuri at kalagayan ng paghawak sa mga mosyon ay ipapalabas sa ika-3 sesyon ng ika-11 NPC.
salin:wle
|