Ipininid ngayong umaga ang 8-araw na ika-2 Sesyong Plenaryo ng ika-11 Pambansang Kongresong Kapulungan o NPC ng Tsina. Lumahok dito ang mga Party at Government leaders na kinabibilangan nina Hu Jintao, Wu Bangguo, Wen Jiabao at Jia Qinglin.
Pinagtibay sa sesyon ang Ulat sa mga Gawain ng Pamahalaang Tsino, ang Plano ng Pagpapaunlad ng Kabuhaya't Lipunan para sa Taong 2009, ang Badyet ng Pamahalaang Sentral para sa taong 2009, ang Ulat sa mga Gawain ng CPPCC, Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino, ang Ulat sa mga Gawain ng Kataas-taasang Hukumang Bayan at ang Ulat sa mga Gawain ng Kataas-taasang Prokuraturang Bayan ng Tsina.
Mahigit 3000 kinatawan mula sa iba't ibang saray at lugar ng Tsina ang dumalo sa katatapos na sesyon at tinalakay nila ang hinggil sa pagtugon sa kasalukuyang pandaigdigang krisis na pinansyal, pagpapasulong ng matatag at may kabilisang pag-unlad ng pambansang kabuahayan at iba pa at inaprubahan ang nasabing mga ulat.
|