Binigyan-diin ngayong araw ni Premyer Wen Jiabao ng Tsina na buong tatag na paiiralin pa ng Tibet ang pagbubukas sa labas. Sinabi niyang iginagarantiya ng Konstitusyon at Batas sa Automonya ng mga Rehiyong Pinaninirahan ng mga Pambansang Minorya ang kalayaan at karapatan ng mga Tibetano, lalong lalo na, ang kanilang kalayaan sa pananampalataya. Anya pa, nitong nakalipas na ilang taon, walang humpay na dinaragdagan ng pamahalaang sentral ang paglaan sa Tibet para mapabuti pa ang pamumuhay ng mga Tibetano.
Winika ito ni Premyer Wen sa preskon makaraang ipinid ang taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina o NPC.
|