Sa preskon ngayong araw sa Beijing, sinabi ni premyer Wen Jiabao ng Tsina na dapat magkakasamang harapin ng mga kasaping bansa ng Shanghai Cooperation Organization ang kasalukuyang pandaigdig na krisis na pinansyal sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kooperasyon.
Ipinahayag ni Wen na ang enerhiya, yaman, konstruksyon ng imprastruktura na gaya ng komunikasyon, agrikultura at hay-tek ay mga pangunahing larangan para sa kooperasyon ng mga kasaping banas ng SCO.
Salin: Liu Kai
|