Sa preskon ngayong araw sa Beijing, sinabi ni premyer Wen Jiabao ng Tsina na ang proaktibong patakarang pinansyal ay pinakatuwiran, pinakamalakas at pinakamabisang paraan sa kasalukuyan ilang tugon sa krisis na pinansyal. Anya, dapat dagdagan sa lalong madaling panahon ang pamumuhunang piskal.
Sinabi ni Wen na dapat gamitin ang pamumuhunang piskal sa pinakamahalagang aspekto ng paglutas ng krisis na pinansyal at dapat magdulot ang pamumuhunang piskal ng kapakinabangan sa susunod na henerasyon.
Anya pa, nasa kontrol ang fiscal deficit at utang ng Tsina at nagkakaloob ito ng espasyo para sa posibleng paglaki ng fiscal deficit at utang.
Salin: Liu Kai
|