Sa preskon ngayong araw sa Beijing, sinabi ni premyer Wen Jiabao ng Tsina na itinakda na ng kanyang bansa ang mga konkretong patakaran para malutas ang isyu sa paghahanapbuhay ng mga gradwado ng pamantasan at rural migrant worker. Anya, sa kasalukuyan, dapat buong sikap na ipapatupad ang naturang mga patakaran.
Ipinahayag ni Wen na para malutas ang isyung ito, ang pinakamahalaga ay puspusang pagkatig sa pag-unlad ng mga maliit at katamtamang bahay-kalakal.
Anya pa, ang paghahanapbuhay ng mga gradwado ng pamantasan at rural migrant worker ay may kinalaman hindi lamang sa kanilang pamumuhay, kundi rin sa kanilang dignidad, kaya buong sikap na lulutasin ng pamahalaan ang isyung ito.
Salin: Liu Kai
|