Sa preskon ngayong araw sa Beijing, sinabi ni premyer Wen Jiabao ng Tsina na umaasa ang kanyang bansa na mapapaliwanag ng Pransya ang atityud sa mga isyung may kinalaman sa Tibet para mapasulong sa lalong madaling panahon ang pagpapanumbalik ng relasyon ng dalawang bansa.
Sinabi ni Wen na ang paglitaw ng problema sa relasyong Sino-Pranses ay, pangunahin na, dahil sa pakikipagtagpo ng pangulong Pranses kay Dalai Lama at ito ay hindi lamang may kinalaman sa nukleong interes ng Tsina, kundi rin nakasakit sa damdamin ng mga mamamayang Tsino.
Salin: Liu Kai
|