Sa preskon ngayong araw sa Beijing, ipinahayag ni premyer Wen Jiabao ng Tsina na ang target sa 8% paglaki ng GDP ng bansa sa taong ito ay nagpapakita ng kompiyansa at pag-asa ng pamahalaang Tsino.
Sinabi ni Wen na bagama't mahirap ang target na ito, posible itong maisasakatuparan sa pamamagitan ng pagsisikap. Anya pa, ang pagbilis ng marketization at urbanization ng Tsina, pagpapalawak ng bansa ng konsumo, sapat na lakas-manggagawa at malusog at matatag na pamilihang pinansyal ay pawang mga elemento ng pagkatig sa pag-unlad ng kabuhayan.
Salin: Liu Kai
|