Ipinahayag dito sa Beijing kahapon ni Zhang Yansheng, puno ng instituto ng pananaliksik sa kabuhayang panlabas ng Pambansang Lupon sa Pag-unlad at Reporma, na bagama't sa kasalukuyang taon, kinakaharap ng kalakalang panlabas ng Tsina ang mahigpit na kalagayan na dulot ng pandaigdigang krisis na pinansiyal, mayroon pa ring espasyo ng pag-unlad ng kalakalang panlabas ng Tsina.
Sa isang pandaigdigang porum, ipinahayag ni Zhang Yangsheng na hinihiyakat ng Tsina ang mga bahay-kalakal ng kalakalang panlabas na pahalagahan ang kompetisyon sa mga aspektong gaya ng teknolohiya, kalidad at pag-aaral; hinihikayat ang naturang mga bahay-kalakal na pahalagahan ang paggagalugad sa mga maunlad at bagong pamilihan; iminungkahi ang mga bahay-kalakal ng kalakalang panlabas na palakasin ang pagtutulungang panrehiyon. Aniya, ang pagsasakatuparan ng ganitong mga hakbangin ay makakatulong sa pag-unlad ng kalakalang panlabas ng Tsina.
Salin: Li Feng
|