• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-03-30 11:31:59    
Wang Qishan, inilahad ang paninindigan ng Tsina sa financial summit

CRI
Nagpalabas kamakailan si pangalawang premyer Wang Qishan ng Tsina ng isang artikulo sa pahayagang The Times na nagsasalaysay ng paninindigan ng kanyang bansa sa idaraos na ika-2 Summit na Pinansyal ng Group of 20.

Sinabi ni Wang na sapul nang sumiklab ang krisis na pinansyal, maagap na isinagawa ng Tsina ang serye ng mga hakbangin ng pagpapalawak ng pangangailangang panloob, pagsasaayos ng estruktura at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan at natamo na ng mga hakbanging ito ang inisyal na bunga. Anya, sa kasalukuyan, kinakaharap pa rin ng kabuhayang Tsino ang mahigpit na hamon mula sa loob at labas ng bansa at patuloy na isasagawa ng Tsina ang mga malakas na hakbangin para mapanatili ang matatag at may-kabilisang paglaki ng kabuhayan at makapagbigay ng ambag sa kabuhayang pandaigdig.

Ipinahayag din niyang dapat ibayo pang palakasin ng komunidad ng daigdig ang koordinasyon ng mga patakaran ng makro-ekonomiya, tutulan ang proteksyonismo sa kalakalan at pamumuhunan, puspusang pasulungin ang reporma sa pandaigdig na sistemang pinansyal at palakasin ang pagkatawan at karapatang magsalita ng mga umuunlad na bansa. Anya pa, sa kasalukuyang summit, dapat itakda ang maliwanag na target, time table at roadmap hinggil sa mga ito.

Salin: Liu Kai