Ipinahayag kahapon sa Medellin, ikalawang pinakamalaking lunsod sa Colombia, ni Zhou Xiaochuan, puno ng People's Bank of China, na ang Inter-American Development Bank ay naging isang mahalagang plataporma ng kooperasyon sa pagitan ng Tsina at Latin Amerika, at ang paglahok ng Tsina ay makakalikha ng mabuting kondisyon para sa pagsasagawa ng dalawang panig ng kooperasyon sa larangan ng pinansyo.
Sa ika-50 pulong ng mga ministrong pinansiyal ng mga kasaping bansa ng Inter-American Development Bank at mga puno ng sentral na bangko, bumigkas si Zhou ng talumpati. Binigyan-diin niyang ang talastasan sa pagitan ng mga organong pinansiyal ng Tsina at Inter-American Development ay pumasok sa substansiyal na yugto.
Nang araw rin iyon, lumagda sina Liu Kegu, konsultatibo ng China's State Development Bank at Luis Alberto Moreno, puno ng Inter-American Development Bank, sa Memorandum ng Pagtutulungan.
Salin:Sarah
|