Sa bisperas ng pagdalo sa ika-2 summit na pinansiyal ng G20, tinanggap kahapon ni Pangulong Hu Jintao ng Tsina ang pagkokober ng Xinhua News Agency para ipaliwanag ang paninindigan at palagay ng Tsina hinggil sa katuturan ng summit na ito, pagharap sa pandaidig na krisis na pinansiyal, pagpapasulong ng pagpapanumbalik ng paglaki ng kabuhayang pandaigdig at kasalukuyang kalagayang pangkabuhayan ng Tsina.
Binigyang-diin ni Hu na ang summit na ito na idaraos bukas sa London ay magkakaroon ng mahalagang katuturan sa pagpapasigla ng kompiyansa ng mga mamamayan at bahay-kalakal, pagpapatatag ng pandaigdig na pamilihang pinansiyal at pagpapasulong ng pagpapanumbalik ng paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Ipinahayag ni Hu na bilang responsibileng kasapi ng komunidad ng daigdig, palagiang aktibong lumalahok ang Tsina sa kooperasyong pandaigdig sa pagharap sa krisis na ito, patuloy na magpapalakas ng pakikipagkoordinahan sa komunidad ng daigdig sa patakaran ng makro-ekonomy, magpapasulong ng reporma sa pandaigdig na sistemang pinansiyal, aktibong mangangalaga sa katatagan ng sistema ng multilateral na kalakalan at magbibigay ng ambag sa pagpapasulong ng pagpapanumbalik ng paglaki ng kabuhayan.
Ipinahayag pa niya na kahit kinakaharap ang hamon ng krisis na ito, may kompiyansa, kondisyon at kakayahan ang panig Tsino para mapanatili ang matatag at mabilis na pag-unlad ng kabuhayang Tsino.
Salin: Ernest
|