• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-04-02 09:03:41    
Pangulo ng Tsina at PM ng Britanya, nagtagpo

CRI

Nagtagpo kahapon sa London sina Pangulong Hu Jintao ng Tsina at Punong Minitro Gordon Brown ng Britanya. Narating nila ang malawak na komong palagay hinggil sa pagharap sa krisis na pinansyal, pagpapasulong ng reporma sa pandaigdig na sistemang pinansyal at pagpapaunlad ng bilateral na relasyon.

Tinukoy ni Hu na pinapurihan at kinakatigan ng panig Tsino ang aktibong hakbangin ng Britanya sa pagharap sa krisis na ito at batay sa responsableng atityud, patuloy na magsikap ang Tsina, kasama ng Britanya at iba pang mga kalahok sa Financial Summit ng Group of 20, para matamo ng summit na ito ang positibong bunga.

Ipinahayag naman ni Brown ang pananalig na sa magkakasamang pagsisikap ng iba't ibang kalahok, matatamo ng summit na ito ang substansyal na progreso sa pagpapatatag ng pandaigdig na pamilihang pinansyal, pagpapasigla ng paglaki ng kabuhayang pandaigdig, pagrereporma sa pandaigdig na organisasyong pinansyal at pagbibigay-tulong sa mga bagong economy at umuunlad na bansa.

Ipinahayag pa ng dalawang lider ang pagpapahalaga sa relasyon ng Tsina at Britanya at kahandaang patuloy na isagawa ang diyalogo hinggil sa mga mahalagang isyu na gaya ng pagbabago ng klima.

Salin: Ernest