• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-04-02 09:04:26    
Pangulo ng Tsina at Rusya, nagtagpo

CRI

Nagtagpo kahapon sa London sina Pangulong Hu Jintao ng Tsina at Pangulong Dmitry Medvedev ng Rusya. Narating nila ang komong palagay hinggil sa pagpapasulong ng estratehikong partnerhip ng dalawang bansa, magkasamang pagharap sa krisis na pinansyal at pagpapalakas ng kooperasyon sa mga suliraning pandaigdig.

Ipinahayag ni Hu na sa taong ito, lumitaw ang tunguhin ng komprehensibo at mabilis na pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Rusya. Sa ilalim ng kasalukuyang background ng masalimuot na pandaigdig na kalagayan at lumalalang pandaigdig na krisis na pinansyal, mahalaga at pangkagipitan ang pagpapalakas ng relasyon ng dalawang bansa at kailangang palakasin nila ang kooperasyon para magkasamang harapin ang kahirapan.

Ganap na sinang-ayunan ni Medvedev ang pagtasa ni Hu sa relasyon ng dalawang bansa. Binigyang-diin niyang para pasulungin ang estratehikong partnership ng dalawang bansa, nakahanda ang kanyang bansa na magsikap, kasama ng Tsina, para ibayo pang palakasin ang kooperasyon sa mga larangan ng kabuhayan, kalakalan at enerhiya, harapin ang krisis na ito at palakasin ang kooperasyon sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig.

Ipinahayag pa niyang palagiang igigiit ng panig Ruso ang paninindigan sa isyu ng Tibet.

Salin: Ernest