Nang kapanayamin siya ngayong araw ng mga mamamahayag ng China ASEAN Cooperation Tour, ipinahayag ni pangalawang pangulong Jusuf Kalla ng Indonesya na umaasa ang kanyang bansa na mapapahigpit ang pakikipagkooperasyon sa Tsina sa larangan ng enerhiya, yamang-tubig, edukasyon at iba pa para magkasamang mapasulong ang estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Binigyan ni Kalla ng mataas na pagtasa ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Indonesya at Tsina at sinabi rin niya na sa pamamagitan ng konstruksyon ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN, maisasakatuparan ng dalawang bansa ang komprehensibong kooperasyon sa iba't ibang larangan.
|