Masiglang ipinagdiriwang ng mga mamamayan ng Gresya ang paghahatid ng Holy Fire
Maalwang natapos kahapon ang ikalawang araw ng paghahatid ng sulo ng 2008 Beijing Olympic Games sa loob ng Gresya.
Mula sa Mesolongion, isang lunsod sa dakong gitna ng Gresya, sinimulang ihatid pahilaga kahapon ng umaga ang sulo at pagkaraang dumaan ng Agrinion, Amfilokhia, Arta at iba pang lunsod, dumating ito ng Janina, punong lunsod ng Lalawigang Eprius sa dakong gitna ng Gresya.
Salin:Sarah
|