Magkakasunod na nag-uulat kamakailan ng mga media ng iba't ibang bansa sa Beijing Olympic Games.
Nitong ilang araw na nakalipas, walang tigil na nag-uulat ang Itar-Tass, RIA Novosti news agency at iba pang ahensiya sa pagbabalita ng Rusya sa pamamagitan ng titik, larawan at iba pang paraan. Positibong pinapurihan ng mga pangunahing pahayagan ng Rusya ang okasyon ng pamumuhay sa nayon ng Olympiyada.
Sa unang pahina kahapon ng The Hindu, isang pangunahing media sa Indya, nagpalabas ng artikulo na nagsasabing idaraos ng Beijing ang isang di-nakalimutan Olympic Games. Bukod ng pagpapakita ng bitalidad ng Tsina, ang Beijing Olympic Games ay magpapakita ng kakayahan ng Tsina sa pagbubuo ng malaking paligsahan at kakayahan sa palakasan.
Sa Katmandu Post ng Nepal nang araw ring iyon, nagpalabas ng titik at larawan mula sa Beijing at nagsasabing dahil ng mabilis na pag-unlad ng kabuhayan, ipinakikita ng mga kabatahang Tsino na bukas at malilipos ng dama ng tagumpay.
salin:wle
|