Nitong ilang araw na nakalipas, patuloy sa pagsariwa ang mga media ng iba't ibang bansa sa Beijing Olympic Games at ipinalalagay nilang sa pamamagitan ng Olimpiyadang ito, lumapit ang Tsina sa daigdig at nalalaman ng daigdig ang Tsina.
Kabilang dito, anang artikulo ng pahayagang Manila Times ng Pilipinas, di-nalilimutan ang libung-libong boluntaryo at ang gawaing panseguridad ng Olimpiyada lamang ay isang malaking tagumpay.
Ayon naman sa pahayagang Indonesia Handelsblatt at iba pang medya ng Indonesya, ang mahusay na pagdidisenyo ng Olympic venues, perpektong pag-oorganisa at maalwang takbo ng Olimpiyada ay lubos na nagpapakita ng soft power ng Tsina.
salin:wle
|