• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-10-16 18:27:03    
Kuwento hinggil sa isang matagumpay na mangangalakal

CRI

Noong taong 1988, ginawa ni G. Cheng ang isang mahalagang kapasiyahan.

"Noong panahong iyon, nalaman kong isinagawa ng mainland ng Tsina ang patakaran ng reporma at pagbubukas sa labas para umakit ng pondong panlabas, at marami ang napakabuting kondisyon . Pagkatapos ng isang taon na imbestigasyon, itinatag namin ang unang pagawaan sa mainland."

Hindi nagtatagalan, nagpatayo si G.Cheng ang iba pang dalawang pagawaan sa mainland, ang kompaniya ni Cheng ay pumasok sa yugto ng mabilis na pag-unlad. Sa kasalukuyan, napakainam ng pag-unlad ng negosyo ng kompanya. Ginawa niyang punong himpilan ng grupo ang Guangzhou, at itinatag ang mga sangay na kompaniya at sentro ng pananaliksik at pagdedebelop sa Shanghai at Jiangxi ng Tsina, at sa E.U., Alemanya, Taiwan, Hongkong at iba pang lugar, at ang sales network ay sumaklaw ng iba't ibang lugar ng buong daigdig. Ang saklaw at kakayahan ng pagpoprodyuse ng grupo ay nasa nauunang 3 puwesto sa industriya ng kurtina sa loob ng bansa. Ganito ang sinabi niya nang sagutin ang taong ng mamamahayag hinggil sa lihim niya sa matagumpay na negosyo:

"Isinagawa noon ng mainland ang reporma at pagbubukas sa labas para umakit ng pondong panlabas, at ipinagkaloob pa ang napakabuting kondisyon at sapat na trabahador, ito ay dahilan kung bakit maraming mangangalakal ng Tainwan ang pumunta sa mainland para sa pamumuhunan at pagkatapos, umuunlad sila. At noong panahong iyon, mabuti rin ang kalagayang pangkabuhayan sa buong daigdig."

Sa kasalukuyan, sa ilalim ng bagong kalagayan, ang mga bahay-kalakal ng kurtina ni Cheng ay kinakaharap ang bagong hamon. Kung mapapanatili sa mainland, tiyak na mahaharap sa maraming di-paborableng elemento na tulad ng pagtataas ng kapital ng labour, pagtataas ng halaga ng RMB at iba pa, kung ililipat ang bahay-kalakal, posibleng mawawalan ng isang napakalaking pamilihan na may 1.3 bilyong populasyon. Ano ang pipiliin ni Cheng?

"Para sa industriya ng pagluluwas, ililipat ito sa labas kung hindi makababahay ito sa loob ng bansa. Ngunit, para sa negosyo ng pagbibili sa loob ng bansa, dapat maging malapit sa pamilihan, kaya imposibleng ililipat ito. "

Salin:Sarah