Sinabi kahapon sa Bangkok ni Tharit Jarungwat, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Thailand na magpupulong sa Siem Reap ang kanyang bansa at Kambodya hinggil sa kanilang isyung panghanggahan mula ika-10 hanggang ika-11 ng buwang ito.
Ito ay magiging kauna-unahang pormal na talastasan ng dalawang bansang Asean sapul nang pagtibayin ng Parliamentong Thai ang balangkas ng talastasan nila ng Kambodiya hinggil sa alitang panghanggahan.
Ayon sa tagapagsalitang Thai, bukod sa kanilang alitan hinggil sa karatig na teritoryo ng Preah Vihear Temple, magtatalastasan ang dalawang bansa hinggil sa kanilang iba pang alitang teritoriyal.
|