Ipinatalastas ngayong araw ni Chai Chidchob, Pangulo ng Parliamento ng Thailand, na kanselahin ang magkasanib na pulong ng mababa at mataas na kapulungan na nakatakdang idaos ngayong araw.
Aniya, ginawa niya ang kapasiyahang ito dahil kubkob ang gusali ng parliamento ng mga tagapagtaguyod ng kontra-gobyernong People's Alliance for Democracy o PAD. Aniya pa, hindi magtatakda ang parliamento ng bagong petsa ng pagpupulong hangga't hindi manonormalisa ang kalagayan.
|