Narating kahapon ng Thailand at Biyetnam ang inisyal na kasunduan hinggil sa magkasamang pagpapatatag ng presyo ng pandagidig na pamilihan ng palay at sang-ayon silang hindi kukulang sa 700 dolyares bawat tonelada ang kanilang iluluwas na palay.
Nagkasundo ng palagay ang dalawang bansang Asean sa pagbisita ng delegasyong Thai sa Biyetnam mula ika-15 hanggang ika-18 ng buwang ito.
Napag-alamang sa gaganaping Asean Summit sa katapusan ng buwang ito, ibayo pang tatalakayin ng dalawang bansa ang hinggil sa nasabing isyu.
|